Abstract:
Madalas nang nailalathala at naitatampok sa mga akademikong literatura at popular media
ang mga pag-aaral ukol sa mga tradisyunal na uri ng musika ng mga pangkat-etniko sa
Kordilyera. Ngunit maliit na bilang lamang ang naililimbag ukol sa mga makabagong anyo
at uri nito, pati na rin kung paano ito itinatampok sa mga istasyon ng radyo. Kasama na rito
ang kasaysayan ng pagsasahimpapawid ng mga awiting Country na isinulat ng mga
Kankana-ey, Ibaloi, at maging ng mga Ilokano mula sa Baguio at Benguet. Nilalayon ng pagaaral
na ito na maging panimulang sanggunian ukol sa nasabing paksa. Bilang balangkas
teoretikal, itinuturing ng pag-aaral na ito na produkto ng pag-aangkin ang paggamit ng
radyo upang maisahimpapawid ang mga lokal na awiting country na binuo ng mga
Kankanaey, Ibaloi, at Ilokano sa Baguio at Benguet. Upang mabuo ang naratibo ng
kasaysayang ito, kinapanayam ng may-akda ang mga beterano at kasalukuyang anawnser,
may-ari, at kawani ng mga istasyon ng radyo na nagpapatugtog ng mga lokal na awiting
country sa Baguio. Ginamit ding sanggunian para sa pag-aaral na ito ang mga lumang
dokumento at mga balita at patalastas sa mga lumang isyu ng mga pahayagan sa Baguio.